Jhin-jhin. 20. from Caloocan.

Infinite thinker| Dreamer | Sweetie | One of a kind | Crazy


I am often regarded as slightly eccentric — not necessarily strange, but certainly an independent character, a kind of daredevil with an unusual way of looking at things.
I'm not the old me. I am just ME. :)

Minsan sa tuwing nahihirapan akong labanan ung lungkot, naiiyak na lang ako. Wala e. Wala akong magagawa kundi mag-hintay. Mag-tiis. Umiyak. Tao ako e. Normal lang naman yun diba? Kaso minsan ang hirap-hirap sobra! Sa sobrang hirap kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Minsan nararamdaman ko yung panghihina. Panghihina na hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sandata para malabanan yung panghihinang unti-unting tumatalo sakin. Minsan natatanong ko sarili ko kung ano ba talaga ang purpose ko dto. Bakit pa kasi ako pumunta dito? May pupuntahan ba lahat ng ito? Mga tanong na sumasakop sa pananalig ko :(  Napakahirap na minsan gusto kong mawala na lang.

Posted
1 year ago

Puppy Love.

Minsan sa tuwing nahihirapan ako sa sitwasyon namen ngayon, naiisip ko sana ‘tong relasyon namen e maging simple na lang at maging katulad na lang ng mga nasa “high school life”. Yung tipong hindi pa ganun ka-seryoso. Yung feeling na magdikit lang yung siko nyo e sobrang kilig na kilig ka na. Magkasalubong lang kayo sa corridor e halos mapatalon ka na. Yung bago ka matulog magtetxt sya tapos hindi ka na makakatulog kakaisip sa kanya. Yung pag-aawayan nyo lang yung hindi nya o hindi mo pagrereply ng mabilis. Simpleng away na mauuwi din naman sa lambingan. Ang sarap siguro pag ganun ulit noh? 

</////3

Posted
1 year ago

In the middle of nowhere.

Well…. Nung nakaraan ko pa naiisip magkwento tungkol dyan sa “in the middle of nowhere” kaso hindi ko lang talaga alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko bibigyan ng paliwanag. Ewan ko ba lately bakit ganito ako. Parang may malaking harang sa kung saan na hindi ko alam kung paano ko matataggal. Ang weird lang. Hindi ko alam kung bakit ganito ung nararamdaman ko na actually hindi naman talaga dapat! Hindi ko alam kung paano ko sisimulang tapusin!! 

Posted
1 year ago

Updated over a year ago

Hahahahaha:)))
Ang weird e no? Tawa kagad?! Haha
Napakatagal na since nung last post ko. Siguro walang time? Or walang gana? Ewan Hindi ko din alam e. ngayon, ni-review ko ung mga posts ko, at yun.. Na-inspire tuloy ako mag kwento ulit. ;)
5months na ung nakalipas. Hindi namamalayan OO. Pero napakarami nang nangyare. Ang dami nang nagbago.. As in ang dami!!
At ngayon, palabas na sya.
Ang says lang sa pakiramdam. Young feeling na, parang bago lahat. Kumbaga sa mga bagay. Pag bago e ganado kang gamitin.(Siguro Kung may magbabasa man neto e sobrang maguguluhan.)
Basta… Excited na kong makausap sya ulit. Excited na ko marinig ung mga kwento Nya. Kung ano ung naging takbo ng buhay Nya sa Araw-Araw nung nasa loob pa sya..
Akala ko maghihintay Ako hanggang April.
He made me so proud! Alam ko nung una napakahirap para sa kanya yun. Pero kilala ko sya. Alam kong malalagpasan nya lahat yun. Kakayanin nya. May tiwala Ako na makakaya nya. At yun nga Ang nangyare.
Lord salamat sa tatag ng loob na ibinigay mo sa kanya. Maraming salamat sa tiwala. Maraming salamat sa lahat!
Sabi ko na e, lahat ng sakripisyo e may magandang kapalit. Thank you Lord! :))

Posted
1 year ago

Eto na sya.

So, nagtxt na saken si Wilson and 1st week daw ng September ang alis ko. SYET! Kinakabahan ako na nae-excite. Ang tagal ko tong hinintay at ngayong eto na sya, gusto kong magtagal pa ung pag-hihintay ko. Ang gara pala sa pakiramdam. Ang bigat na super exciting! Gulo noh? well ganyang-ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

O sya, di ko na to pahahabain pa. And by the way, mami-miss ko ang Tumblr.

Goodnight! :)

Posted
1 year ago

Bakit kaya ganun? I’m in a long relationship pero hindi ko maiwasan ang mainggit sa ibang magka-relasyon.? Kahit na bago pa lang sila. Ewan ko ba! Ang weird sa tuwing ganito ang nararamdaman ko.. Medyo naiinis ako sa sarili ko pero hindi ko talaga maiwasan. 

Siguro hindi inggit ito kundi nai-inspire ako :)

(Source: jhinpokerface)

Posted
2 years ago

With or wirhout make-up

Last night pumunta ako sa house nila boyfriend and while waiting for the foods, his little sister came near me and said, ate Cj ang kapal ng make-up mo. (pero mahina lang naman so kame lang ung nakarinig)
E di bigla akong na-conscious at gumora ako sa cr para i-check ang fes ko at bawasan ang aking make-up. Kasi nga medyo nahiya ako. But when I look at the mirror, teh parang wala nga kong make-up e..

After nung moment na yun nahiya talaga ako…!
Naka make-up ako hindi dahil wala akong tiwala sa ganda ko, I can go anywhere without putting any make-up. It’s just that mahilig lang talaga ako sa cosmetics. Actually gusto ko nga laging umaalis para lagi akonf naka lipstick :)
Yeah I love lipstick! RED LIPSTICK!


Yun lang ..
Lafang muna akes! ;)

Posted
2 years ago

Kwento muna bago tulog

Nung nakaraang araw hiniram ko ung memory card ng phone ni mama kasi nga hindi ko mahanap yung USB cord ko. E nakalimutan kong ibalik. Nilapag ko lang yun sa ibaibaw ng CPU. E madaming jugetz na super kulet nagalaw yata at nung naalala ko the next day, ayun wala na! at hanggang ngayon di ko pa nakikita. kanina tinanong na nya ko kung nasan daw ung mem card nya, sabi ko nasa baba sabi nya SIGURADUHIN MO LANG! her voice is in angry mode at medyo nainis ako!

Ewan ko ba sa tuwing nagagalit sya, nababadtrip ako! Hindi sa kanya pero ewan ko ba. Feeling ko kasi hindi bagay sa kanya yung magalit kasi nga sobrang bait nya. tapos yun! yun na! haha:)

tenks for reading! :))

goodnight! :*

Posted
2 years ago

Ang saya naman.

kahit hindi na ako active emay nag fo-follow pa din saken! :)

nagsimula ung araw ko na naiiyak ako peroo ngayon matutulog na ako at sobrang saya ko!! As in!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Goodnytzzzzz………. :)

Posted
2 years ago

Sabi ko sa inyo e! Paasa lang yun!!! Tangina!!!!!!!!!!!!

Nagtxt pa sya kaninang 5:41p.m Sabi nya w8 lang daw. E di nabuhayan naman ako ng loob e kaso tangina 11p.m na!!!!!!!!!!!!!!!!

Okay fine. Ganun naman talaga e! Lagi na lang kawawa tayong mga babae.

*suicide :’(

Notes
3
Posted
2 years ago
Uhmm.. Kanina nung medyo nagising ako dahil maingay sila, I checked my phone tapos nakita ko ung notification from facebook, nag-status sya at ito yon! So ayun sobrang tuwang-tuwa ako at di na nakatulog ulit at ngayon e nagku-kwento na.
Paasa again? I hope not.
kung anung mangyayare mamaya iku-kwento ko ulit! Ok? See`yah! :)

/k.bye

Uhmm.. Kanina nung medyo nagising ako dahil maingay sila, I checked my phone tapos nakita ko ung notification from facebook, nag-status sya at ito yon! So ayun sobrang tuwang-tuwa ako at di na nakatulog ulit at ngayon e nagku-kwento na.

Paasa again? I hope not.

kung anung mangyayare mamaya iku-kwento ko ulit! Ok? See`yah! :)


/k.bye

Notes
1
Posted
2 years ago

Oo! Alam ko na! Magsisimba akong mag-isa bukas!

kung reader kita alam mo to. Ayokong umasa ulit! Pang 3rd week na ngayon at sabi nya OO daw tutupad na sya! Miss ko na kasi mag-simba kasama sya! At sana mag-himala!!!!

*ayoko ng umasa pero nananalangin e noh?*

ganyan talaga ako. Magulo ang utak! Paki-intindi na lang! tenkyu :/

Notes
2
Posted
2 years ago

Yey! I gained 3 new followers! :)

Pag-open ko ayun! E 3hours ago since last visit ko taz ayun -2 na yung followers ko! (oo onti lang pero masaya na ko dun!) "aanhin ang madaming followers kung wala ka namang readers dba?

So yeah! Ayun tuwang-tuwa ako! (sino ba naman ang hindi matutuwa dun dba?)

Notes
2
Posted
2 years ago

Olrayt!

Wala lang! haha.. No srsly, ang weird lang kasi may nag la-like ng mga posts ko pero di nila ko fina-follow. (weird noh?)

pero ayos lang! nasu-surprise pa nga ako e! Atleast kahit onti lang yung followers ko, may mga readers naman ako!! :)

(Source: jhinpokerface)

Posted
2 years ago

Swear!  Tinatamad ako mag-post ngaun! Mas feel kong mag ALT + TAB lang.. FB,twitter at Tumblr.. Spell LAZY

/k.Bye

Notes
2
Posted
2 years ago